-- Advertisements --
amy coney barret TRUMP

Tatlong mabibigat na kaso ang naghihintay umano na bibigyan ng aksyon ng bagong miyembro ng Korte Suprema ng Amerika na si Justice Amy Coney Barrett.

Ang mga pangunahing petisyon na naghihintay kay Barrett ay may kaugnayan sa tax cases ng kaniyang kaalyado na si US President Donald Trump, abortion cases at ang nalalapit na US election sa susunod na linggo.

Si Barrett ay nanumpa na nitong araw sa White House bilang isa Supreme Court Justices.

Dumalo rin si Supreme Court Justice Clarence Thomas na nanguna para sa constitutional oath.

Bukas naman si Chief Justice John Roberts ang mag-administer kay Barrett para sa judicial oath swearing-in ceremony.

Ang pagkapili sa 48-anyos na hukom ay maituturing na tagumpay kay US President Trump, isang linggo bago ang halalan.

Siya ay nakakuha ng 52 votes sa Senado mula sa Republicans samantalang 48 naman sa Democratic Party.

“Justice Barrett made clear she will issue rulings based solely upon a faithful reading of the law and the Constitution as written, not legislate from the bench,” ani Trump.

Samantala, nagpasalamat naman si Barrett sa mga taong naniniwala at pumili sa kaniya.

Sinabi rin nito na marami siya natutunan at napagtanto sa ginawang proseso ng confirmation hearing.

US Amy Barret

“My fellow Americans, even though we judges don’t face elections, we still work for you. It is your Constitution that establishes the rule of law and the judicial independence that is so central to it,” bahagi pa ng talumpati ni Barrett. “The oath that I have solemnly taken tonight means at its core that I will do my job without any fear or favor, and that I will do so independently of both the political branches and of my own preferences.”