-- Advertisements --

NAGA CITY – Plano ngayon ng mga mag-aaral mula sa lungsod ng Naga na ipagpatuloy ang kanilang imbensyon matapos ipangalan sa mga ito ang tatlong minor planets.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kina Eugene Rivera, Joscel Kent Manzanero at Keith Russel Cadores, sinabi ng mga ito na halos hindi pa sila makapaniwala sa nasungkit na tagumpay.

Kwento ng mga ito, sa gitna ng kanilang kompetisyon sa ibang bansa, napansin nila na advance ng masyado ang teknolohiya na ginamit ng kanilang mga nakalaban.

Kaugnay nito, matapos manalo, hinati-hati aniya nila ang premyo at ibinili ng kagamitan na makakatulong pa sa kanilang imbensyon.

Pursigido naman ang mga ito na maipagpatuloy ang kanilang sinimulang imbensyon at makatulong sa mga susunod pang pag-aaral sa bansa.

Maaalala na ang nasabing mga mag-aaral ang nag-uwi ng major prize para sa “Energy: Physical” category ng 2018 Intel International Science and Engineering Fair (ISEF) para sa kanilang disensyo at development ng Solar-Tracking Arduino-Rooted PV Panels.

Naging kinatawan din sila ng bansa sa international science fair.

Ang Massachusetts Institure of Technology (MIT) Lincoln Laboratory ay nakaugalian nang ipangalan sa mga estudyanteng nagpapamalas ng angking galing sa mga science competitions ang mga nadidiskobreng asteriods.