-- Advertisements --

Inaasahang magtatala ng kasaysayan ang tatlong magkakapatid na boksingero na sabay-sabay na lalaban sa darating na May 14 sa Los Angeles.

Ayon kay dating two-time junior middleweight champion Fernando Vargas, umaasa siya na makikita ng buong mundo na nagawa niyang sanayin ang mga anak bilang mga world champion-caliber.

Una nang ipinakilala ang mga aakyat sa itaas ng ring na magkakapatid na sina Fernando Vargas Jr. (5-0, 5 KOs), Amado Vargas (3-0, 2 KOs), at Emiliano Vargas (pro debut) kung saan malalaman sa mga susunod na araw ang kanilang makakaharap sa tinaguriang “Lineage of Greatness”

Ang 44-anyos na ngayon na si Vargas ang siya ring tatayong coach sa corner ng kanyang mga anak.

Agad namang nilinaw ni Vargas, hindi umano ang pera ang dahilan kung bakit ilalaban niya sa boxing ang kanyang tatlong mga anak na lalaki.

Si Vargas na dating US Olympian ay nagretiro noong taong 2007 at kabilang sa kanyang mga nakalaban na boxing legends ay sina Felix Trinidad, Oscar De La Hoya, Shane Mosley (twice) at Ricardo Mayorga.