-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Sinampahan na ng kasong robbery with homicide ang tatlong magkakapatid na nag-hold-up patay nitong Sabado ng madaling araw sa isang tindahan ng Brgy. San Roque, bayan ng Kitcharao, Agusan del Norte.

Matatandaang binaril-patay ng mga suspetsado si Ginalyn Apolinario habang sugatan naman ang kanyang anak na si Evangeline Apolinario at ang may-ari ng tindahan na si Brgy. Kapitan Salvador Junio.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Police Staff Sergent Rex Salino na matapos ang ginawa ng magkakapatid na sina Raymond Dadong, Reynaldo Dadong at Roland Dadong, netibong taga-Jabonga, Agusan del Norte at kasalukuyang nakatira sa Brgy. Cawilan, sa bayan ng Tubod, Surigao del Norte, inidulog kaagad nila ito Surigao del Norte Police Provincial Office na syang nagpa-alerto sa lahat ng kanilang mga municipal police units.

Kaagad namang ipinasa sa mga police units ang CCTV footage na nakuha mula sa crime scene at nang mamukhaan ang isa sa mga responsable, kaagad na tinunton ng pulisya ang lugar ng mga persons of interest.

Na-abtan p’a nila ang magkakapatid na nag-videoke pa at hindi pa hinubad ng isa sa mga suspek ang kanyang jacket na syang nakikita sa footage na may dugo pa, kung kayja’t kaagad silang hinuli.

Nakuha mula sa kanilang posisyon ang mga armas na kanilang gigamit, mga bala at mga personal na gamit.