-- Advertisements --

Zamboanga City – Patay ang tatlong magkakapatid sa Barangay Dulian Upper Bunguiao matapos inanod ng malakas na tubig baha habang naliligo sa ilog.

Kung maaalala unang natagpuan ang bangkay ni Jade Arcillas Y Columbres noong november 3 sa nasabing ilog at ang dalawang bangkay naman ay natagpuan noong november 5 at nasa stage of decomposition na ito.

Labis naman ang pagdadalamhati ng mga magulang ng mga magkakapatid na sina Rodelyn Arcillas tatay ng mga biktima at Maybelyn Arcillas ang ina naman ng mga biktima dahil sa isang iglap lang ay tatlong buhay ang nawala sa kanilang pamilya. Naging usap-usapan dito sa Zamboanga ang nasabing kalunus lunos na trahedya.

Inihanda naman ng Barangay Captain ng Bunguiao ang multi-purpose kung saan ilagay ang burol ng tatlong magkakapatid dahil hindi naman ito pwedeng dalhin sa kanilang tahanan dahil sa makipot na daanan at kailangan pang umakyat sa bundok bago makarating sa tahanan ng mga biktima at umaabot naman sa isang kilometro’t kalahati kung ito’y lalakbayin.

Samantala, panawagan naman ng mga magulang na sana hindi sila iiwan at patuloy silang susuportahan ng mga tao dahil hindi nila kaya ang mga gastusin pinansyal dahil na rin sa kanilang sitwasyon.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang ginagawang pagsuporta ng mga good samaritan sa naulilang pamilya.