-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patay ang tatlong magsasaka sa Isabela matapos ang magkahiwalay na insidente ng pamamaril at pananaksak.

Kinilala ang isa sa mga biktima na si Gaudencio Uy, 63, residente ng Brgy. San Antonio, Cabagan.

Batay sa ulat ng Isabela Provincial Police Office, pinasok ng hindi pa nakikilalang salarin ang bahay ng biktima at pinagbabaril ito.

Nakuha mula sa crime scene ang ilang basyo ng bala ng M-16 armalite rifle.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang suspek.

Sa hiwalay namang insidente, patay ang mga magsasakang sina Gerry Timbrez, 34; at Rodel Versoza, 23.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga biktima at suspek na si Resty Mateo, 29, kaya piagtataga umano nito ang dalawa.

Dead on arrival sina Timbrez at Versoza nang maisugod sa pagamutan.

Hawak na ng Ilagan City Police ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong homicide.