-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang tatlo katao sa strapping incident sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga biktima na sina Rihana Pudteg Camponion, 33 anyos, Toms Mandidal Mamao, 43 at Amid Panday Kudtig, 29,mga residente ng Purok 7 Barangay Mudseng Midsayap Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza habang nagsasaka sa palayan ang mga biktima ay bigla silang pinaulanan ng bala ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan.

Agad namang tumakas ang mga suspek nang magresponde ang mga tauhan ng Barangay Peacekeeping Action Team (BPAT).

Ang mga biktima ay dinala sa pagamutan at nasa ligtas nang kalagayan.

Napag-alamang ang lupang sinasaka ng mga biktima ay nasa pagitan ng lupain ng dalawang nag-aaway na pamilyang Sugod at Kapitan Wahab Namil.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril sa mga biktima.