-- Advertisements --

ROXAS CITY – Arestado ang tatlong mangingisda matapos mahuli na nangingisda gamit ang dinamita sa Sapatos Gamay Island sa karagatan na sakup ng Roxas City.

Kinilala ang mga ito na sina Joseph Ado, boat captain at residente ng Jintotolo, Masbate mga crew na sina Benjie Aninang, residente ng Barangay Agsirab, Dumarao at Benie Capacio, residente ng Bancal, Carles, Iloilo.

Sa interview ng Bombo Radyo Roxas kay PLt. Semdan Sitchon, hepe ng Capiz Maritime Police, nakumpiska sa nasabing mga mangingisda ang 18 improvised explosives (longneck bottle) at dalawang improvised explosives (lapad bottle).

Narekober rin ang 19 improvised blasting cap na may safety fuse at tina-tayang 15-kilong isda.

Nasa kostodiya na ngayon ng Capiz Maritime Police ang sakayang panda-gat na ginamit sa pagdala ng mga explosibo.
Samantala nakatakdang sampahan ng kaso ang nasabing mga mangingisda.