-- Advertisements --

Nasagip ng Philippine Coast Guard ang nasa 5 mangingisda habang 3 iba ang napaulat na nawawala sa may binisidad ng Corregidor Island kahapon, Pebrero 19.

Sa isang statement, sinabi ng Coast Guard District National Capital Region – Central Luzon na ang mga nasagip na mangingisda ay lulan ng bangkang pangisda na FBCA Prince Elmo 2 na binangga ng isang unidentified vessel sa isang hindi tukoy na lokasyon.

Nangyari aniya ang ramming incident noon pang Enero 30 ng kasalukuyang taon subalit naireport lamang ang insidente sa kanilang unit noong Linggo, Pebrero 16.

Naunang na-resue ang mga mangingisdang Pilipino ng MV Dong An sa may bisinidad ng katubigan malapit sa Vietnam kung saan nasa bow ng bangka ang mga ito nang masagip.

Ipinadala naman ng Coast Guard ang BRP Boracay kasama ang Medical and Nursing Service Personnel para kunin ang mga nasagip na Pilipinong mangingisda saka itinurn-over kalaunan sa Coast Guard Sub-station Naic at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Naic personnel nitong umaga ng Huwebes.

Samantala, matapos masagip ang 5 mangingisda, hinanap ng PCG vessel ang 3 pang nawawalang mangingisda sa lugar subalit hindi natagpuan ang mga ito.