CENTRAL MINDANAO-Pinalaya na ng mga armadong grupo ang tatlong mangingisda na kanilang tinangay o dinukot sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga biktima na sina Mama Tanto Kusain,Tohami Salindatu at Mohaimin Salindatu,mga residente ng Barangay Libungan Northern Kabuntalan Maguindanao.
Ayon kay Northern Kabuntalan Mayor Datu Umbra”Ramil”Dilangalen na pinalaya na ng mga suspek ang mga biktima at nagkaroon lamang ng konting di pagkakaunawaan.
Mismo ang Alkalde ang nakiusap sa mga suspek na pakawalan na ang tatlong mangingisda.
Matatandaan na pinaputukan ng mga armadong kalalakihan ang limang mga mangingisda sa Brgy Libungan sa bayan ng Northern Kabuntalan.
Nasawi sa pamamaril si Thoe Kusain Manabilang 25 anyos at sugatan si Kuno Hasan 62 anyos.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Northern Kabuntalan PNP sa naturang pangyayari.