-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang tatlong mangingisda na mahigit 20 araw nang nawawala sa laot matapos masira ang kanilang bangka nang nabangga ng barko.
Ang tatlong mangingisda ay sina Ruben Beso Sr., 51; John Lauren Beso, 27, at John Javellana, 34, na mga residente ng Brgy. Sagua, Anini-y, Antique.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Allen Rose Mandariaga Beso, anak ni Ruben Sr., sinabi nito na Enero 2 pa nang umalis ang tatlo at ngayong araw lang na-rescue ang mga ito sa Languyan, Tawi-Tawi.
Tinuturing naman ng pamilya na himala kung paano nakaligtas ang tatlo na hindi kumakain sa loob ng mahigot 20 araw.
Sa ngayon, nakatakdang iuwi sa Antique ang nasabing mga mangingisda.