-- Advertisements --
Sinuspendi ng management ng San Miguel Beermen sina Arwind Santos, Ronald Tubid at Kelly Nabong.
Ito ay dahil sa pagkakasangkot nila sa kaguluhan sa kanilang ensayo nitong Linggo sa Upper Deck sa Pasig City.
Ayon sa pamunuan ng SMB, na kahit na naayos na ang kaguluhan ay hindi nila kinokonsinti ang nasabing insidente.
Dahil dito ay pinatawan nila ng indefinite suspension ang nabanggit na manlalaro.
Magugunitang nagkaroon ng kaguluhan ng mag-agawan ng bola sina Santos at kanilang import na si Dez Wells.