Nag-deploy na ang military ng Thailand ng warships at helicopters para mahanap ang 33 marines na nawawala matapos na lumubog ang isang corvette sa karagatan sa Gulf ng Thailand, partikular sa Prachuap Khiri Khan province, timog ng Bangkok, Thailand.
Ito ay matapos na mag-malfunction ang makina ng HTMS Sukhothai warship at lumubog bago ang mag-midnight 20 nautical miles ang layo mula sa coast.
Nagsagawa ng magdamagang rescue mission ang mga awtoridad sa gitna ng masungit na panahon kung saan nasa 73 mula sa 106 katao na lulan ng warship ay nailigtas habang pwersahang inabandona naman ng 33 nawawalang marines ang naturang warship.
Ayon kay navy spokesperson Admiral Pogkrong Monthardpalin, ang Sukhothai ay isang US-built corvette na ginagamit mula pa noong 1987 ay tinamaan ng malalakas na alon nitong linggo dahilan para lumubog ito.