CAUAYAN CITY- Tatlong matataas na pinuno ng New Peoples Army (NPA) ang dinakip ng pinagsanib na puwersa ng sundalo at pulisya sa magkahiwalay na checkpoint sa lalawigan ng Cagayan.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Division Public Affairs Office Chief Major Noriel Tayaban ng 5th Infantry Division Phil. Army na ang mga nadakip ay nakilalang sina Violeta Ricardo, alyas Ka Issa, Deputy Secretary ng Northern Front Committee at Pinuno rin ng Regional finance ng Komiteng Rehiyon Cagayan Valley; Cristina Miguel Garcia alyas Ka Senyang, staff Regional Operation Department ng Kilusang Guerilla Cagayan Valley at Delailah Padilla alyas ka Domsay, Education Staff Squad Dos ng Northern Front.
Si Ka Issa ay mayroong kinakaharap na mga kasong dalawang kaso ng murder, isang Frustrated murder at rebelyon na may patung sa ulo na 2.4 million pesos.
Si Ka Senyang ay mayroon ding kinakaharap na kasong tatlong bilang ng murder, isang kaso ng frustrated murder, isang qualified assault upon an agent in authority with murder
Habang si Ka Domsay ay nahaharap sa kasong murder at robbery with murder at may patung sa ulong pitung daang libong piso
Matapos anya ang isang buwan na pagmamanman ng pinagsanib na puwersa ng AFP-PNP ay nadakip sila sa magkahiwalay na checkpoint na Naddungan Gattaran, Cagayan at Leonarda, Tuguegarao City.
Sakali naman anyang magsagawa ng pagganti ang mga rebelde ay nakahanda ang pulisya at militar.