Inanunsiyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magdaraos ito ng 3 mega job fairs ngayong buwan ng Setyembre.
Ito ay para matugunan ang tumataas na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa ating bansa.
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang kagawaran ang siyang magho-host sa Bagong Pilipinas Job Fair sa Setyembre 13 sa 69 na mga lugar sa iba’t ibang parte ng bansa na inaasahang dadaluhan naman ng kabuuang 915 employers.
Target na naturang mga job fair na mapunan ang nasa 67,022 bakanteng posisyon sa iba’t ibang sektor.
Ilan sa mga posisyong maaaring aplayan sa job fair ay production operators at workers,customer service representatives, cashiers, baggers, sales clerks, laborers, carpenters, painters, waiters, servers, cooks, at service crew.
Lalahok naman ang mga malalaking industriya gaya ng manufacturing, BPO, retail and sales at financial and Insurance company.
Maliban dito, mayroon ding 2 pang job fairs na isasagawa mula Sept. 18- 20 sa World Trade Center at mula Sept. 19-21 sa SMX Convention Center sa MOA Pasay City.