LEGAZPI CITY – Dead on the spot ang tatlong menor de edad na babae matapos na araruhin ng isang ten wheeler truck sa Purok 9 Brgy. Matagangtang, Placer, Masbate.
Kinilala ang mga biktima na sina Christy Franciso , 16-anyos, grade 11 student; Ferdalyn Cañete, 10-anyos, grade 5 student; at Jelian Tamayo, 13-anyos, isang grade 7 na lahat residente ng naturang lugar.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Legazpi sa Police Regional Office 5, una rito nakatanggap ng tawag ang Placer Municipal Police Station mula kay Punong Barangay Roberto Camay kaugnay sa naturang vehicular accident sa lugar na agad namang nirespondihan.
Sa imbestigasyon, napag-alamang nawalan ng kontrol ang 10 wheeler truck dahil sa mechanical defect na minamaneho ni Jomar Tanael, 30-anyos na residente ng Marestela Street, Poblacion East, Milagros ng naturang lalawigan.
Dahilan para mabangga ang naturang mga biktima na nagtamo ng fatal injuries na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga ito.
Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek na mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide and damage to properties.