-- Advertisements --

Patay ang tatlong menor-de-edad matapos na tamaan ng kidlat sa Pulilan, Bulacan.

Naglalaro sa labas lamang ng kanilang bahay ang mga magpinsan na sina Rexter Enriquez,16-anyos, Roxanne, 12 at April dela Cruz,11-anyos ng biglang bumuhos ang ulan.

Kuwento ng kanilang isang pinsan na nakaligtas na si Mark Salazar, nagulat siya sa malakas na kidlat at ng tignan ay nakahandusay na ang mgabiktima at umuusok.

Dinala pa sa pagamutan ang mga biktima subalit hindi na umabot ng buhay ang mga ito.

Ayon sa PAG-ASA na maaring nasawi ang mga biktima dahil sa naranasang ground current.

Pinag-iingat ng PAGASA ang publiko na maging maingat sa pagligo sa ulan lalo na kapag kumikidlat.