-- Advertisements --
Ipapasakamay na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang naarestong tatlong menor de edad na nakuhanan ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P40.8 milyon sa buy-bust operation sa lungsod ng Mandaluyong.
May edad 15, 16 at 17 ang mga naaresto na galing sa Trece Maritires sa Cavite.
Naaresto ang mga ito sa isang gasoline station sa Sierra Madre Street sa Barangay Highway Hilles kung saan isinagawa ang buy-bust.
Aabot sa anim na kilo ng droga ang nasabing iligal na droga.