-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patay ang tatlong menor de edad matapos nalunod sa ilog sa Brgy. Intaluan, Pototan, Iloilo.

Ang mga biktima ay sina Rogielyn Dolendez, 9, ng Barangay Intaluan, at mga pinsan nito at magkapatid na sina John Arnold Peñafiel, 10 at Arnold Peñafiel, 6, pawang residente ng Barangay Pitogo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay PMaj. Ciriaco Eiman Esquilarga, hepe ng Pototan Municipal Police Station, sinabi nito na namimingwit ng isda ang mga biktima sa ilog nang mangyari ang insidente.

Inutusan umano ng kapatid nina Peñafiel na magkunwaring nalulunod hanggang sa natuluyan ang mga ito.

Dinala pa sa ospital ang mga biktima, ngunit idineklarang dead on arrival.