-- Advertisements --

NAGA CITY – Sugatan ang tatlong menor de edad matapos maaksidente ang isang motorsiklo sa Brgy. San Isidro, Libmanan, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), nabatid na binabaybay ng motorsiklong minamaneho ni Jeffrey Mancilla, 16, ang kalsada sa lugar kasama ng backrider na si Ken Jones Arcaya, 14.

Ngunit pagdating sa naturang lugar, nahagip ng mga ito ang naglalakad na 14-anyos na dalagita.

Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nasabing mga bata na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.