-- Advertisements --

Tatlo pang mga hostages ang pinalaya ng mga armadong grupo sa Haiti.

Ang tatlong mga hostages ay bahagi ng 17 American Christian charity missionaries.

Sa kabuuan ay mayroon ng limang katao ang kanilang pinalaya.

Ayons sa Christian Aid Ministries na ligtas at may malusog na kalagayan ang mga pinalayang katao.

Hindi naman nagbigay pa ang grupo ng mga pagkakakilanlan ng mga pinalayang miyembro nila.

Unang pinalaya noong Nobyembre 21 ang dalawang miyembro nila.

Magugunitang dinukot ng gang na 400 Mawozo sa Port-au-Prince ang 16 na American at Canadian na mga Christian Missionaries noong Oktubre.