-- Advertisements --

Target ng National Printing Office (NPO) na makapag-imprinta ng nasa 3 million balota kada araw para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia kasabay ng paglagda nito sa isang Memorandum of Agreement kasama ang NPO ngayong araw, na nangako ang Printing Office na maging available ang lahat ng kanilang personnel at machines upang makumpleto na maimprinta sa loob ng bawat isang araw ang nasa tatlong milyong balota.

Ito ay kabuuang mahigit 90 million balota sa loob ng isang buwan.

Aabutin aniya ng limang araw ang verification process.

Inaasahan din na sa ikalawang linggo ng buwan ng Nobiyembre ay magsisimula na ang shipping ng lahat ng mga balota at election paraphernalia.

Giniit naman ni Garcia na magpapatuloy sila sa paghahanda para sa nakatakdang halalan ng Barangay at Sk elections dahil wala pang batas na nagpapaliban dito.

Subalit sakali man na maipagpaliban ito, ang mga naimprintang balota ay hindi naman masasayang dahil magagamit pa rin ito para sa susunod na halalan.

Nakatakdang simulan ng Comelec ang pag-imprinta ng mga balota sa susunod na linggo para sa barangay at Sk elections.