-- Advertisements --

Dumaranas ng scoliosis ang hanggang 3 milyong Pilipino.

Ito ay batay sa pag-aaral ng Department of Health(DOH).

Ayon kay Philippine Orthopedic Center specialist Dr. Franklin Dizon III, ang scoliosis ay isang kondisyon kung saan ang spine ng isang tao ay lumiliko sideways o patagilid, maaaring pakanan o pakaliwa.

Aniya, bagaman marami nang research ang isinagawa ng pamahalaan, hindi pa rin malinaw sa mga naturang pag-aaral kung ano ang tunay na dahilan ng naturang sakit.

Gayunpaman, maaari aniyang bantayan basta’t huwag lamang pabayaan na magtatagal ito bago komunsulta sa mga eksperto.

Ayon kay Dr. Dizon III, kailangang alam ng publiko ang mga maagang senyales nito katulad ng hindi pantay na balikat, bahagyang pagka-kuba, abnormal posture, atbp.