Nasa 3 million labor force o mangagawa ang kakailanganin ng pamahalaan para sa mga nakalinyang proyektong imprastraktura ng Marcos Jr administration para sa taong 2024.
Ayon kay DPWH Secretary Manuel Bonoan na kakailanganin nila dito ang mga skilled at unskilled laborers.
Sinabi ng kalihim, sadyang magbibigay ito ng malaking job opportunity sa ating mga kababayan sa gitna na din ng malaking demand sa job requirements bunsod ng nakalinyang mga infrastructure projects.
Aniya, isang magandang pagkakataon din ito para hindi na mangibang bansa pa ang ating mga manggagawa upang maghanapbuhay.
Giit ni Bonoan, mga mega projects ang mga naka schedule na mga proyekto sa susunod na taon sa ilalim ng Build Better More ng administrasyong Marcos.
” Yeah, well, of course, we will be relying on the private sector to provide us with iyong assistance and through iyong mga contractors, suppliers and everything. But iyong skilled and unskilled labors, of course, this is in tandem with the Department of Labor on skilled training at saka iyong sa TESDA, isa sa mga training din ng mga workers, and so forth and so on. So this is going to be a collaborative effort between our Department of Public Works and Highways and, of course, Department of Labor, and TESDA. I’m just talking of DPWH ha. DPWH pa lang iyan, and there are other infrastructure programs of government. They are big. Including the Department of Transportation, they have big projects as well that are going to be implemented starting this year and all the way to the term of the President,” pahayag ni Sec.Bonoan.