-- Advertisements --

DAVAO CITY – Patay ang tatlong magpinsan na mga minero dahil sa gas poisoning sa kanilang pinagtrabahuang mining tower sa Purok 50, Diat, Baranggay Napnapan, Pantukan, Davao de Oro, nitong Sabado, Marso, 11, ngayong taon.

Nakilala ang mga biktima na sina Jelbert Lastimado, 25 anyos; Arjie Jayson, 23 anyos; at si Julito Torifel, 25 anyos, na taga Purok 2, Barangay Tibagon, Pantukan, Davao de Oro.

Ayon pa sa report ng Pantukan PNP, nakalanghap ang mga biktima sa gaseous poison sa loob mismo ng kanilang pinagtrabahuan na tunnel. Dagdag pa, sinagip ng dalawang kasamahan ang isang biktima na nawalan ng malay sa loob ng tunnel, ngunit nalason din ito kalaunan na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Napag-alaman din na kamakailan lamang sila naging trabahador sa minahan na iyon. Sa ngayon, nakauwi na ang mga bangkay sa kani-kanilang tahanan.