NAGA CITY – Umani ng mga positibong reaksyon at pagbati ang tatlong mag-aral mula sa Camarines Sur National High School matapos ipangalan sa mga ito ang tatlong minor planets.
Una rito, agad na kumalat ang anunsiyo ng Department of Education (DepEd) na nakatanggap ng pagkilala ang nasabing mga mag-aaral mula sa minor planet at orbital plot.
Ang naturang mga mag-aaral na kinabibilangan nina Eugene Rivera, Joscel Kent Manzanero, at Keith Russel Cadores, ay una nang nag-uwi ng major prize para sa “Energy: Physical†category ng 2018 Intel International Science and Engineering Fair para sa kanilang disensyo at development ng Solar-Tracking Arduino-Rooted PV Panels.
Naging kinatawan din ng Pilipinas ang tatlo sa international science fair kasunod ng kanilang naging tagumpay sa 2018 National Science and Technology Fair.
Nabatid na mula pa 2001, ang Massachusetts Institure of Technology Lincoln Laboratory ang binibigyan ng pangalan ang mga nadidiskubreng asteriords sa mga mag-aaral na nagpapakitang gilas sa mga Science competitions.