-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tatlo ang missing habang dalawa ka tao naman ang nasugatan sa landslide sa kasalukuyang ginagawang bypass road sa Sitio Sto Nino Barangay Mandug, Lungsod ng Dabaw.

Kinilala ang mga nasugatan na sila Abdul Yambao at Mica Giducot mga residente ng naturang lugar na kasalukuyang ginagamot sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).

Inihayag ni Davao City Disaster Risk Reduction Management Office Operations and Warning Officer Rodrigo Bustillo maingat na ginagawa nila ngayon ang clearing at retrieval operations sa lugar dahil sa mga nakitang malaking bitak sa lupa sa ibabaw na bahagi.

Batay sa salaysay ng mga nasugatan alas 6:10 kaninang umaga nang maganap ang landslide kung saan nakita umano nila na natabunan ng lupa ang tatlong iba pa ka tao.

Nalaman na nag-jojogging ang dalawang mga nasugatang biktima habang nakasakay naman umano ng motorsiklo ang tatlong mga missing.

Sa kabila ng on-going road construction at sa delikadong sitwasyon walang inilagay na babala ang DPWH sa lugar kung kaya nakagawian na umano ng mga residente na dumaan, mag-jogging at mag-biking sa naturang lugar.