KORONADAL CITY – Tuluyang sumuko sa mga otoridad ang tatlong kasapi ng Dawlah Islamiya terror group sa bahagi ng Midsayap, North Cotabato.
Isinuko rin nina Lanny Madaluday Salem, Rocky Kinal Paguital, at Usman Abas Salem sa 34th Infantry Battalion, Philippine Army ang kanilang matataas na kalibre ng armas at mga component para sa paggawa ng improvised explosive devices.
Ikinagalak naman ni 6th Infantry Division commander Major Gen. Diosdado Carreon ang pagsuko ng mga ito at nagpasalamat rin sa pagsusumikap ng local government unit upang makumbinsi ang mga itong magbalik-loob sa gobyerno.
Ang nasabing mga surenderee ay nasa ilalim ng grupo ni Imam Karialan, na wanted sa serye ng mga pamomomba sa mga probinsya ng Maguindanao, Sultan Kudarat at North Cotabato.