-- Advertisements --

Kinanasela ng Korean group na Red Velvet ang kanilang live concerts matapos na magpositibo sa COVID-19 ang tatlo sa miyembro nito.

Ayon sa agency ng group na na SM Entertainment, nagpositibo sa COVID-19 sina Irene , Joy at Yeri.

Habang nagnegatibo naman ang dalawang miyembro nila na sin Seulgi at Wendy.

Kasalukuyan na silang naka-isolate at nagpapagaling.
Natapos na rin ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccines ang tatlong nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito ay kinansela ng grupo ang kanilang concert na “2022 The ReVe Festival: Prologue”.