BAGUIO CITY – Sumuko sa mga otoridad ang tatlong miembro ng Militia ng Bayan (NPA) Terrorist.
Nakilala ang mga ito na sina Alyas Balyer, Alyas Nanay at Alyas Willy.
Isinuko ni Alyas Balyer, 25-anyos, residente ng Baguio City at Squad Leader ng Komite Larangan Guerilya (KLG) na may operasyon sa Benguet, Abra, Mountain Province and Ilocos Sur ang KG9 Submachine Gun na may 9 na live ammunitions at MK2 Hand grenade.
Ayon sa report ng Police Regional Office Cordillera (PROCOR), nakisali siay sa grupo taong 2013 at naging aktibong miyembro siya nga PINATUD-ANAKBAYAN, Kabataan para sa Tribung Pilipino (KATRIBU) sa ilalim ng pamumuno ni Beverly Longid ng Cordillera People’s Alliance hanggang sa nakisalin na rin siya sa mga tignay protesta.
Taong 2014, nakisali siya sa iba’t-ibang anti-government protests at sumali rin siya sa underground movement (UGM) na kung saan naging
Candidate Party member ng CTG at binansagang @BALYER.
Isinuko rin ni Alyas Nanay, 47-anyos, nanay ni Alyas Balyer, active supporter at miembro ng Militia ng Bayan (MB) na may operasyon sa Barangay Tabacda, Tubo, Abra ng Colt 45 na may pitong live ammunitions at MK2 hand grenade.
Sumuko rin sa mga otoridad si Alyas Willy, 54-anyos, isang aktibista na may operasyon sa Baguio City.
Sa rekord ng PROCOR, pumasok siya sa grupo ng mga leftist taong 1986 at naging lider siya ng iba’t-ibnag sectoral organizations na nakabase sa siyudad ng Baguio at Probinsiya ng Benguet.
Uma-apela si Alyas Nanay sa mga miembro at supporters bng New People’s Army na sumuko na ang mga ito sa mga otoridad.
Ayon kay Regional Director PBGEN R’WIN SA PAGKALINAWAN, sasailaim ang mga ito sa custodial at stress debriefing para sa pang-enroll nila sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) ng gobyerno.