Iniimbestigahan na ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang tatlo nilang miyembro na nasangkot sa kontrobersyal na EDSA busway incident.
Sinabi ni PNP-HPG officer in charge Brig. Gen. Eleazar Pepito Matta, na ang mga nasangkot ay nasa admin holding office nila habang nagsasagawa ng imbestigasyon.
Magugunitang ipinilit ng PNP-HPG na dumaan sa EDSA Busway habang mayroong escort kung saan ginamit pa ang pangalan ni PNP chief Rommel Marbil para itigil na ng Department of Transportation’s Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ang pagharang mga sasakyan na dumadaan sa EDSA Busway.
Nilinaw naman ni Matta na wala silang balak na tanggalin ang mandato ng SAICT na pigilan ang mga sasakyang lumalabag sa EDSA Busway.