Mismong ang South Korean singer na si DJ Koo Jun Yup ang sorpresang nag-anunsyo na ikinasal na sila ng Taiwanese actress na si Barbie Hsu.
Ito’y sa pamamagitan ng kanyang IG account, bagay na ni-repost naman ng 45-year-old actress.
Si Barbie Hsu ay nakilala sa Pilipinas dahil sa pagganap bilang si Shan Cai ng phenomenal Taiwanese TV series na “Meteor Garden” noong 2001.
Sa maiksing kuwento ni DJ Koo base sa translation o pagsasalin ng online article na allkpop.com, agad daw niyang hinagilap ang contact number ng ex-girlfriend noong mabalitaan na divorce na sa asawa.
Dito na nadugtungan ang kanilang koneksyon matapos ang 20 taon na tila wala aniyang nagbago.
“We are at an age where we cannot waste away our time idly, and so I suggested that we get married and she said yes, so we will be living together after registering our marriage. Please congratulate me on my late marriage,” saad umano ng groom.
Nobyembre noong nakaraang taon nang mauwi na sa divorce ang pagsasama ni Barbie at Chinese businessman na si Wang Xiaofei.