CENTRAL MINDANAO – Lomobo pa ang bilang ng mga nagpositibo sa Coronavirus Disease (Covid-19) sa probinsya ng Cotabato.
Umaabot sa 15 katao ang binawian ng buhay kabilang ang 3-months old baby.
Batay ito sa huling datos na inilabas ng Department of Health (DOH XII).
Sa mga nasawi, tatlo sa mga ito ay mula sa M’lang, dalawa sa Libungan, Kabacan at Alamada habang may tig-iisa sa, Arakan, Kidapawan, Magpet, Matalam, Makilala, at Carmen.
Kabilang sa mga namatay ang 3-months old baby na lalaki sa bayan ng Makilala sa Cotabato.
Dahil dito, umakyat pa sa 430 ang COVID-related death sa lalawigan.
Nasa 61 naman ang nadagdag sa tala ng mga nagpositibo kung kayat mayroon nang 9,082 total infections.
Naitala rin sa North Cotabato ang 107 na mga gumaling kung saan pinakamarami ang mula sa Libungan na may 26 new recoveries.
Kaya naman, abot na sa 7,236 ang nakauwi na sa kanilang tahanan mula sa mga isolation facilities.
Nasa 1,412 naman ang patuloy pang nagpapagaling o active cases sa probinsya.