-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Kinumpirma ng Department of Health {DOH 12) na naka-quarantine na ngayon sa isang ospital sa Cotabato city ang tatlong buwang gulang na sanggol na hinihinalang apektado ng sakit na polio.

Ayon kay Department of Health Information Officer Jenny Panizalez, nasa isolation room ng Cotabato Regional Medical Center ang naturang sanggol na nakitaan ng mga sintomas ng polio gaya ng paulit-ulit na lagnat at pagka-paralyze ng isang paa nito.

Ayon kay Panizalez, patuloy nilang mino-monitor ang kalagayan ng sanggol upang makumpirma kung ang pasyente ay magiging panibagong kaso ng apektado ng polio sa Pilipinas.

Sa ngayon, masusing sinusuri ang kalagayan ng pasyente at hinihintay pa ang resulta ng mga laboratory test.

Samantalana, pinayuhan din nito ang publiko na panatilihing malinis ang sarili at paligid.

Nagpaalala rin ito lalong-lalo na sa mga magulang na huwag matakot sa pagpapabakuna sa kanilang anak laban sa polio.