-- Advertisements --

KORONADAL CITY- Umabot sa tatlong munisipyo sa probinsiya ng South Cotabato ang apektado dng pagbaha at buhawi na nagresulta sa pagkasira ng mga bahay.

Ito ang kinumpirma ni PDRRMO Rolly Aquino sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ang mga lugar na apektado ay kinabibilangan ng Sto Nino na may apat na mga bahay ang partially damage; bayan ng Surallah na umabot naman sa 39 na mga pamilya ang nananatili sa evacaution center mula sa Brgy. Dajay at Brgy. Libertad dahil sa apektado ang mga ito sa lagpas-tao na baha; dito naman sa Koronadal City, may roon dalawang bahay na nasira sa Barngay Saravia at Purok Sampaguita sa Brgy. Cacub.

Sa ngayon, patuloy ang monitoring sa lugar lalong-lalo na ang damage assessment para malaman ang kabuuang damyos na iniwan ng kalamidad.

Ipinasiguro naman ng PDRRMO dito sa South Cotabato na mayroong sapat na budget na ibibigay para naman sa mga apektadong residente.

Samantala, nagdeklara ng suspension of classes ang mga paaralan sa ibat-ibang munisipyo sa Cotabato province dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan simula pa kagabi.

Ito ang inihayag ni Ms. Jorie Mae Balmediano, Information Officer ng Office of the Civil Defense (ICD) 12 sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon sa kanya ang mga bayan ng Aleosan, Pigcawayan, Pres. Roxas, Magpet at Kidapawan City ang nagdeklara ng suspension sang klase sa lahat ng lebel (both private and public) dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan at malakas na hangin dala naman ng Localized Thunderstorm o masamang panahon.

Ipinasiguro ng kanilang tanggapan ang patuloy na pagmonitor sa nasabing mga lugar dahil napag-alaman na ang mga ito ang kabilang sa mga prone areas pagdating sa pagbaha at may iba pang hindi pa nakakarekober dahil na rin sa mga nakaraang linggong naeksperyensyahan ding masamang panahon.