CENTRAL MINDANAO – Tatlong mga mjyembro ng Ampatuan private armed group ang sumuko sa pulisya sa lalawigan ng Maguindanao.
Nakilala ang mga suspek na sina Abby Aguak, Pendatun U. Ampatuan at Gani Macmod.mga residente ng Shariff Aguak, Maguindanao.
Isinuko sila ni dating Shariff Aguak Maguindanao Vice-Mayor Akmad Ampatuan na lider umano ng Ampatuan Private Armed Group.
Dala ng tatlo sa kanilang pagsuko ang tatlong M16 Armalite rifles,isang M14 rifle,mga bala at magazine.
Sumuko ang tatlo kay police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR) Regional director B/Gen Eden Ugale sa Camp SK Pindatuan, Parang, Maguindanao.
Ang grupo ni Ampatuan ay DI Listed Active Private Armed Group (PAG) na kumikilos sa Maguindanao.
Ang pagsuko ng grupo ni Ampatuan ay bahagi ng programa ng gobyerno na National Task Force on the Disbandment of Private Armed Groups (NTF-DPAGs) sa ilalim ng normalization track of the Comprehensive Agreement on the Bangsamoro na nakasentro sa pagwasak sa mga armadong grupo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sinabi ni dating Vice-Mayor Ampatuan ng malaman niya na kasama sya sa DI-Listed Active PAG agad itong nagdesisyon na isuko ang kanyang mga armadong tauhan bilang pagpapatunay sa kanyang magandang hangarin.
Sa kasalukuyan ay pinaigting pa ng PRO-BAR ang pagtugis sa mga PAGs sa Bangsamoro Region.