BUTUAN CITY – Na-alarma na ang mga mamamayan sa Bayugan City, lalawigan ng Agusan del Sur matapos ang sunod-sunod na pagkamatay sa loob lang ng 2 araw, ng tatlong miyembro ng isang pamilya na parehong hindi naturukan ng COVID-19 vaccine.
Kinumpirma ni Sarah Edison Postrero, 39-anyos, na ang kanyang asawa, kanyang father-in-low at kapatid na lalaki ng kanyang asawa ay parehong namatay sa COVID-19 infections.
Pareho umano silang gidala sa Bayugan Community Hospital (BCH) nitong Biernes dahil sa kanilang dinaramdam na sakit lalo na ang matinding lagnat, ubo at hirap sa paghinga kung kaya’t inilipat sila sa D.O. Plaza Memorial Hospital sa bayan ng Prosperidad dahil na-ubusan na ng oxygen ang BCH at marami na ring inaalagaang mga pasyente ang mga doktor.
Ayon pa kay Postrero, ang kanyang 65-anyos na father-in-law, na may hypertension ang syang unang namatay nitong Sabado ng umaga habang ang kanyang 42-anyos na asawang may recurring diabetes ay namatay din pasado alas-kwatro ng madaling araw kahapon (Linggo) at ang 28-anyos na kapatid ng kanyang asawan g mayroon ding diabetes ay namatay naman kagabi.
Dagdag pa ni Postrero, siya at ang kanyang asawa p’ati na rin ang kanyang father-in-law ay magpapabakuna sana ng nitong Mayo ngunit hindi natuloy matapos madiskubre ng attending physician na pareho silang naturukan ng anti-tetanus vaccine matapos ma-aksidente ang sinasakyan nilang motorsiklo habang ang kanyang father-in-law naman ay mayroong hypertension.