-- Advertisements --

Umakyat na sa tatlo ang bilang ng mga nasawi, sa kasagsagan ng pananalasa ng typhoon Quinta.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mark Timbal, dalawa sa mga namatay ay nagmula sa Negros Oriental at isa naman ang nanggaling sa Marinduque.

Samantala, 13 ang napaulat na nawawala; 12 umano rito ay sa Catanduanes kung saan pumalaot ang mga ito at naabutan ng masamang lagay ng panahon.

Isa naman dito ang pinaghahanap pang crew ng lumubog na yate sa Bauan, Batangas.

Tiniyak naman ni Public Works Sec. Mark Villar na puspusan ang kanilang mga hakbang para maibalik agad sa normal ang byahe ng mga sasakyan sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.