KORONADAL CITY – Nakapagtala na nang 3 patay ang probinsya ng North Cotabato dala parin ng walang humpay na pagbuhos ng ulan dala ng sama ng panahon.
Ito ang inihayag ni Engr. Arnulfo Villaruz, Chief for operations ng PDRRMO-North Cotabato sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Villaruz, ang naitalang tatlong patay ang kinabibilangan ng 2 indibidwal na natabunan ng landslide habang nag-aayos ng dike sa kanilang lugar sa Carmen , North Cotabato habang isa naman ang nalunod sa ilog habang naliligo sa bayan ng Banisilan.
Dagdag pa ng opisyal apektado rin ng pagbaha ang mga bayan ng Pikit,Kabacan,Arakan at Carmen sa North Cotabato.
Sa bayan ng Pikit, 21 na mga na barangay ang apektado ng pagbaha kung saan aabot sa higit 15,000 pamilya ang naapektuhan ng pag-apaw ng tubig sa Liguasan Marsh.
Habang nasa 200 pamilya naman sa Sitio Lumayong, Barangay Kayaga, Kabacan ang apektado sa pag-apaw ng tubig sa Lumayong Bridge na kumukonekta sa bayan ng Kabacan at Carmen.
Pinangangambahan rin ang pag-apaw ng tubig sa ilang mga sapa kung magpapatuloy pa ang pagbuhos ng ulan dahil rin sa posibleng umapaw ang 2 malalaking river system sa North Cotabato na Pulangi river na galing pa sa Bukindon at Kabacan River sa North Cotabato na parehong dadaan sa Lumayong Bridge.
Kaugnay nito, nagsagawa na ang LGU-North Cotabato ng relief operations sa mga apektadong residente.
Samatala, nagsagawa na rin ng assessment ang PDRRMO-North Cotabato para sa dagdag na kasanayan ng mga residente sa “worst-case-scenarios” na posibleng maganap lalo pa at may isa pang sama ng panahon na papasok sa PAR sa darating na araw ng Lunes.