-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Umabot na sa tatlo ang nasawi dahil sa dirrhea outbreak sa Purok Spring, Barangay Lampari, Banga, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Barangay Chairman Rahib Mama sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Rahib, ang mga nadagdag sa nasawi ay isang Grade 10 student at 33-anyos na kasama sa mahigit 70 indibidwal na tinamaan ng diarrhea at nakaranas ng pananakit ng tiyan, pagtatae at pagsusuka.

Nasawi umano ang dalawa dahil sa severe dehydration at sa katunayan ang isa sa mga ito ay nagpositibo pa sa COVID-19.

Sa inisyal na resulta ng pagsusuri sa dumi ng mga pasyente, lumabas na positibo sa amoeba ang ito na kinumpirma rin ni Dr. Cheron Gampon, head ng Emergency Room ng Socksargen General Hospital.

Sa ngayon, hinihintay pa ang resulta ng water sample na ipinadala sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Kaugnay nito, humihingi ng tulong si Chairman Rahib sa LGU na tulungan sila sa kanilang sitwasyon sa lugar lalo na at hindi safe ang tubig na iniinom ng mga residente partikular na sa Purok Spring.

Nananawagan din ito sa kanyang mga constituents na siguruhing napakuluan ang inuming tubig upang maiwasan ang paglala ng kanilang sakit.