-- Advertisements --

TUGUEGARAO CITY – Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa social distancing at direct assault upon a person in authority ang tatlong nagpakilalang miyembro ng International Mass Media sa Cagayan.

Sinabi ni PSSgt. Marvin Lorenzana ng PNP Camalaniugan, sinita ang mga suspek na sina Arlene Arellano, Lovely Mae Sosa, at Janet Sosa at ang driver na si Isidro Siriban sa checkpoint dahil sa kumpol-kumpol sila sa isang tricycle.

Habang tinitigan umano ng mga pulis ang kanilang ID ay bigla umano nilang hinablot at naging arogante sa mga pulis.

Ayon kay Lorenzana, wala rin umanong maipakitang patunay ang mga suspek na sila ay tunay na miembro ng media maliban lang sa kanilang ID at wala rin silang travel pass.