-- Advertisements --

Nakatakdang iturn-over ngayong araw sa Indonesian Ambassador ang tatlong nakalayang kidnap victims ngayong araw sa headquarters ng Western Mindanao Command sa Zamboanga City.

Ayon kay Wesmincom Spokesperson Lt. Col. Gerry Besana, dahil sa intensified military operations na pinangunahan ng Joint Task Force Sulu dahilan nakalaya ang tatlong bihag bandang alas-4:00 ng hapon kahapon sa may Barangay Buanza, Indanan,Sulu.

Kinilala ni Besana ang tatlong nakalayang Indonesian kidnap victims na sina Hamdam Bin Salim, 27-anyos; Sudarian Samansung, 41-anyos at Subande Satto, 27-anyos.

Mga lokal na opisyal ang nakakita sa tatlong banyagang bihag na agad tinur-over kay JTF Commander BGen. Divino Rey Pabayo, dating Sulu Gov. Abdusakur Tan at Sulu Police Provincial Chief na si PSSupt. Labra.

Dinukot ang tatlong banyagang bihag nuong January 18, 2017 habang sakay ang mga ito sa kanilang speedboat sa may karagatan ng Taganak Island, Tawi-tawi.

Agad namang dinala ang tatlo sa military hospital sa Sulu para isailalim sa medical examination.

Inamin naman ng militar na tumulong din sa paglaya ng tatlong Indonesian sina Tarhata Misuari, Kiram Misuari at dating Gov. Abdusakur Tan.

Sa ngayon nasa Wesmincom headquarters na sa Zamboanga City ang tatlong bihag na nakatakdang iprisinta kay Wesmincom Commander Lt. Gen. Arnel Dela Vega at saka iturn over sa Ambassador ng Indonesia.