-- Advertisements --

Maayos ang kalagayan ng tatlong na-contempt na Bureau of Corrections (BuCor) officials sa basement ng Senado.

Ito ang sinabi ng mga dumalaw na kaanak at katrabaho nina Dr. Ursicio Cenas, legal division chief Atty. Frederic Anthony Santos at documents and record section head CTSO2 Ramoncito Roque.

Humiling naman ang mga bisita na huwag nang ilabas ang kanilang pangalan para hindi na sila makaladkad sa mga isyu sa BuCor.

Sina Cenas, Santos at Roque ay na-contempt ng Senate committee on justice, matapos magbigay daw ng maling mga impormasyon sa lupon.

Mismong ang dating BuCor head na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang nagmungkahing ma-cite in contempt ang tatlo dahil sa hindi pagsasabi ng katotohanan sa Senate inquiry.