-- Advertisements --

Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na tatlong indibidwal ang nasawi habang siyam ang sugatan sa nangyaring pagsabog ngayong umaga sa loob ng Dimaporo Gymnasium, Mindanao State University (MSU) campus.

Ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo, batay sa ulat ng PNP PROBAR dumadalo sa isang misa ang mga Katolikong estudyante na bigla na lamang may naghagis ng pampasabog.

Sinabi ni Fajardo kaagad namang rumisponde ang mga tauhan ng PNP PROBAR sa pangunguna ni PBGen. Allan Cruz Nobleza kung saan nagpapatuloy pa rin hanggang sa ngayon ang imbestigasyon.

Agad namang isinugod sa hospital ang mga biktima.

Sa ngayon hindi pa maibigay ng PNP ang mga pangalan ng mga nasawi at sugatang mga indibidwal.