CENTRAL MINDANAO-Sumiklab ang engkwentro ng dalawang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa lalawigan ng Maguindanao Del Sur.
Ayon kay Shariff Aguak Chief of Police Major Haron Macabanding na nagkasagupa ang mga kasapi ng 105th base command at 118th BC sa Barangay Kuloy Shariff Aguak Maguindanao Del Sur.
Dahil sa tindi ng palitan ng putok sa magkabilang panig ay lumikas ang mga sibilyan patungo sa mga ligtas na lugar.
Kinomperma naman ni MILG Deputy Minister Abunawas Maslamama o mas kilala sa tawag na MILF Senior official Von Al Haq na totoong may naganap na engkwentro ang dalawang MILF Commander dahil sa personal na alitan o rido ngunit walang kinalaman ang liderato ng MILF.
Dagdag ng opisyal na malinaw na paglabag sa Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) code of conduct ang nangyaring labanan ng dalawang grupo.
Tatlo na umano ang nasawi at lima ang nasugatan sa engkwentro ngunit hindi pa ito makomperma ng pulisya.
Sa ngayon ay gumagawa na rin ng paraan ang MILF ceasefire panel upang imbestigahan ang pinag ugatan ng barilan.(