-- Advertisements --
Patay ang tatlong katao matapos ang naganap na karambola ng anim na sasakyan sa Barangay Fortune sa lungsod ng Marikina.
Base sa inisyal ng imbestigasyon ng mga otoridad, pasado alas-onse ng gabi nitong Abril 23, 2025 ng hindi nakayanan ng trailer truck na may kargang buhangin ang paahon na bahagi ng lugar kaya tumagilid ito.
Dahil sa insidente ay naatrasan nito ang ilang sasakyan sa likuran na kinabibilangan ng mga kotse at isang jeep.
Nasawi ang mag-inang lulan ng kotse habang patay din ang driver ng jeep na naatrasan ng truck.
Sugatan naman ang anim na ibang biktima na sakay ng iba’t-ibang mga sasakyan at sila ay dinala sa pagamutan.
Naaresto na ng mga otoridad ang driver ng truck kung saan nahaharap ito sa patong-patong na kaso.