-- Advertisements --

Tatlong katao umano ang namatay matapos paputukan ng Israeli forces ang isang grupo ng mga Palestinian gunmen na nagtangkang tumawid sa Gaza border.

“A short while ago, IDF (Israel Defense Forces) troops spotted a number of armed suspects adjacent to the security fence in the northern Gaza Strip. An IDF attack helicopter and a tank fired towards them,” saad ng militar sa isang pahayag.

Ayon sa Palestinian medics, nakuha nila ang tatlong mga labi mula sa site, habang sinabi ng Gaza hospital officials na mayroon pa raw isang sugatan sa insidente.

Sinabi naman ng Israeli military, nangyari ang insidente nitong weekend matapos na magpakawala ng tatlong rockets sa Gaza patungong Israel.

Wala pang tugon sa ngayon ang alinman sa mga major armed groups sa Gaza. (Reuters)