-- Advertisements --

Tatlong katao ang naiulat na nawawala sa pagbagsak ng maliit na cargo plane sa Indonesia.

Ayon sa mga otoridad, bigla na lamang nawalan ng contact sa air control ang Rimbun Air flight ilang minuto bago lumapag sa paliparan ng Intan Jaya, Papua region.

Malaki ang paniniwala ni Papua police spokesman Ahmad Mustofa Kamal na nagkaroon ng problema dahil sa sama ng panahon.

Natagpuan ang mga debris ng Twin Otter 300 aircraft sa kalapit ng lugar kung saan ito bumagsak matapos ang ilang oras.