Inaresto ang tatlong hackers mula sa Cavite at Laguna na kaya umanong nilang pasukin ang sistema ng Commission on Election (Comelec) at manipulahin ang resulta ng eleksiyon.
Sa inilabas na report ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), ang entrapment operation sa naturang mga suspek ay nangyari noong Abril 23 sa pakikipagtulungan ng CICC at Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) agents na nagpanggap bilang kliyente para makabili ng stolen data.
Nagresulta ito sa pagkakadakip ng mga suspeka na sina Joel Adajar Ilagan a.k.a Borger, Adrian de Jesus Martinez a.k.a. AdminX, at Jeffrey Cruz Ipiado a.k.a. Grape/ Vanguard/ Universal/ LLR.
Batay sa claim ng mga hacker, kaya din umano nilang palitan ang magiging resulta ng eleksiyon sa pamamagitan ng pag-access sa sistema ng Smartmatic, ang automated poll system provider ng bansa.
Nabatid din na base sa initial findings na ang grupong ito ang siya ring responsable raw sa nangyaring hacking incidents at target ang Comelec at Smartmatic system, hacking sa Napocor website at hacking sa credit cards at iba pang online transactions gayundin ang ransomware sa ilang local commercial websites.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012.