-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Gusto ng mamuhay ng mapayapa at magbagong buhay ng tatlong mga myembro ng New Peoples Army (NPA) na sumuko sa militar sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga rebelde na sina alyas Jian at Rojen, parehong 22 anyos at alyas Bador, 39 anyos,mga residente ng Makilala Cotabato.

Ang tatlo ay mga tauhan ng NPA Guerilla Front Alip, Far South Mindanao Regional Committee.

Sumuko ang tatlong rebelde sa tropa ng 39th Infantry Battalion Philippine Army sa Makilala Cotabato.

Naging matagumpay ang kanilang pagsuko sa pamamagitan ng interbensyon at mga programa ng pamahalaan.

Isinailalim na rin sa debriefing at pinoproseso na ang mga dokumento para sa livelihood assistance ng tatlong mga NPA sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.

Nanawagan ngayon ang 39th IB sa ibang NPA na sumuko na at mamumahay ng mapayapa.